This has nothing to do with the movie "The Bucket List". Just because I'm bored and I'm thinking of a topic to kill boredom, this "Bakit" List came up my mind. Kung yung Bucket list ay listahan ng mga bagay na gusto mong gawin bago ka mamatay [i've done this before! i've listed 100 things there!], itong Bakit list ko ay listahan ng mga samu't saring tanong ko na resulta lang ng makulit kong pag-iisip! Mga tanong na hindi ko matanong. Mga tanong na ewan ko ba kung tanong nga ba. Mga tanong na hindi ko alam kung may matinong kasagutan. Mga tanong na wala lang masabi lang na nagtanong ako. :P
Oh heto na!
- Bakit madalas kapag may hinahanap tayo, hindi natin mahanap-hanap pero pag hindi naman natin hinahanap biglang sisipot?
- Bakit kapag sumagot tayo ng telephone, "Hello" lagi sagot natin?
- Bakit daw kapag hindi ka swerte sa pag-ibig swerte ka raw sa pera? Meron namang swerte sa dalawa meron din namang hindi swerte sa dalawa? Sino ba tong nagsasabi-sabi ng ganyan?
- Bakit may mga taong ang lakas mang-asar pero kapag sila ang inasar mo ang bilis nila mapikon? Pikon Talo!
- Bakit ba yung karamihan sa mga mahihirap lahat na lang ng problema nila sinisi sa gobyerno. Hindi naman ang gobyerno ang nanganak ng sandosena di ba?
- Bakit yung mga pulubi ngayong bigyan mo ng pagkain ayaw tanggapin? Choosy na? Para silang jeep, may minimun fare! Kaloka!
-Bakit kapag gwapo ang may crush sa iyo umiikot ang mundo mo sa saya, pero kapag pangit ang may crush sa iyo, umiikot ang tiyan mo sa kaba?
- Bakit mahirap matulog pag gutom?
- Bakit masarap matulog pag umuulan?
- Bakit may mga panahon na gusto mong matulog, pero hindi ka maantok. Meron naman antok na antok ka pero di ka makatulog? Labo!
- Bakit may mga taong allergy sa masasarap na pagkain, pinaparusahan ba sila ni God?
- Bakit kapag inutangan tayo, parang tayo pa minsan ang nahihiyang maningil sa kanila?
- Bakit pag di kagandahan o kagwapuhan ang tao na pinapadescribe sayo, ang sagot mo "Mabait sya"?
- Bakit ung 7eleven eh 24/7 open? Wala lang, trip ko lang tanungin!
- Bakit ang hirap maging babae kapag torpe yung lalake?
- Bakit may mga taong tatanungin ka pa kung anong ginagawa mo eh kita na naman nila kung ano ginagawa mo?
- Bakit dito sa Pinas madalas pag nag-announce ang PAG-ASA ng Typhoon Signals and Classes Suspensions, sya namang labas ni Haring Araw? Nang-aasar lang!
- Bakit may mga lalaking gusto ng maraming asawa, isa pa nga lang mahirap na eh? Dagdagan pa?
- Bakit Bahaghari ang tagalog ng Rainbow? Parang ang baho!
- Bakit nung bata tayo, tinuturuan tayo maglakad. Ngayong lumaki na tayo, pahirapan naman magpaalam kapag may lakad?
- Bakit nung bata tayo, pinapatulog tayo sa tanghali. Ngayong matanda na tayo, nasasabihan tayong tamad pag natulog tayo ng tanghali?
- Bakit kapag naghihintay ka ng elevator parating may pindot ng pindot ng button? Kahit ilang pindot mo hindi bibilis ang pagdating ng elevator!
- Bakit ba yung mga sumasakay sa MRT ayaw pumasok sa loob, lahat gusto sa may pintuan! Eh kung gawin na lang kayang isang mahabang pintuan yung tren ng di kayo magsiksikan sa pinto!
- Bakit maraming nakasabit ngayon sa mga bags na hand sanitizer? di naman nila ginagamit? palamuti lang?
-Bakit ung mga shampoo/ conditioner commercials ngayon, obvious na hindi naman totoo ung hair. Parang exaggerated na. Halatang fake.
-
- Bakit kapag nawala na ang isang tao, saka natin naiisip lahat ng magagandang nagawa nya?
- Bakit, bakit, bakeeeeeet???
No comments:
Post a Comment