Sunday, July 31, 2011

Humility

Just wanna share what our priest said in his homily yesterday..

Fr. Dave: "Naniniwala ba kayo na kaya patuloy na naghihirap ang Pilipinas ay dahil sa salitang 'selfishness'? Meron ako nakausap nung isang araw at nabanggit nya sakin na 50 rich families lamang ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng Pilipinas. At kung itong 50 mayayaman na pamilya ay magtitipon-tipon, magkakasundo at ibabahagi ang kahit kaunting porsyento ng kanilang yaman sa ating bansa, masosolusyunan natin ang paghihirap na nararanasan natin ngayon."

May point si Father dun! Para sakin, tama sya! Hindi naman nangangailangan na sobrang mayaman ka para makatulong sa nangangailangan. Kahit sa kaunting halaga, makakatulong tayo. Sa bansa natin ngayon, kung saan ang mayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap, isang napakalaking hamon ito. Marami marahil ang magtataas ng kilay sa sinabi ni Father. Baka yung iba isipin na kaya sila yumaman kasi pinaghirapan nila yun at kung naging mahirap ang iba, problema nila yun na hindi sila nagsumikap na umahon sa kanilang buhay. Kung ganito ang magiging pag-iisip natin, hindi talaga tayo uunlad. Sana matuto tayo na kung anong meron, ibahagi natin sa iba. Kung ano man ang mayroon tayo, bigay satin ito ng Maykapal at wala tayong karapatan ipagmalaki at ipagdamot ito sa iba.

Sinabi ni Father sa huli ng kanyang pagbibigay ng homily, "Where there is selfishness, miracles won't happen. Where there is kindness in heart & generosity, everything is possible. Where there are true disciples of Christ, the Master is present. And when the Master is present, miracles are bound to happen."

Sometimes, miracles don't happen in us because maybe God wants us to be a miracle in someone's life. :)

At the end of our life, we shall all be judged by charity. --
St. John of the Cross

Monday, July 25, 2011

Day 206/365

Seeing old couples walk hand in hand never fails to give me the warm fuzzies. They give us hope that lasting relationships do exist.

Ang Modernong Pulubi. Bow!


Naranasan nyo na ba makasalubong ng pulubi tapos mamamalimos sa inyo at binigyan nyo ng barya? Pagkatapos mong bigyan ng barya, may maririnig ka pang "Pwedeng dagdagan?" o kaya "Kuripot naman, piso lang?" Aba choosy na sila ngayon. Kumbaga sa jeep meron na silang minimun fare! Nakakaloka! Kung ang gas nga daw araw-araw kung magtaas sila pa daw ba!

Noon, nahahabag ako pag meron akong nakikitang mga pulubing namamalimos sa mga kalsada o lansangan, sa mga paradahan ng sasakyan at sa iba't ibang lugar na maaaring maging lugar ng palimusan. Nakakalungkot na isipin na naging biktima sila ng magulong lipunan at mga tao. Ang iba sa kanila'y iniwan ng magulang, itinakwil, ipinamigay at inalisan ng karapatan na mamuhay ng may kumpletong pamilya. Marami sa kanila ang di na nakapag-aral, nakapag-asawa sa murang edad at bumuo ng pamlya sa lansangan at marami sa kanila ang nagkaron ng bisyo makatakas lang kahit panandalian sa mga kalupitang dulot ng lipunan.

Hindi ko alam kung maaawa pa ba ko sa mga pulubing nanlilimos o maiinis. Mayroon akong karanasan noon, pagbaba ko ng MRT mayroong batang lumapit sakin at humihingi ng limos eh nagkataon pagbukas ko ng bag mayroon pa pala kong biscuit kaya yun na lang ang inabot ko sa kanya kesa pera baka sa iba nya gastusin. Nagulat ako sa sinagot ng bata, "Ate, ayoko ng biscuit. Gusto ko P5!". Imbis na magpasalamat ang musmos eh nagawa pang magrequest. At mayroon din isang eksena na P2 ang naiabot ko sa bata at ang banat nya sakin eh, "Dagdagan mo Ate, P5 na lang!". Limang-piso na ba ang minimum rate ng mga pulubing nanlilimos ngayon? Nakakaloka! May iba naman na ang lakas ng katawan, pero manlilimos lang kaya nasasabihan sila ng iba na maghanap ng trabaho kaysa umasa sa limos kasi hindi naman sila baldado baka tinatamad lang o wala lang talagang diskarte sa buhay. May ibang bitbit ang anak habang nanlilimos para mas mahabag ang tao sa kanila. Nakakalungkot tingnan ang mga ganitong eksena sa kalsada. Pero nakakainis naman yung ibang bata na binigyan mo ng limos tapos makikita mo lang sumisinghot ng rugby. Yung iba abot-langit ang daing sa buhay dahil hindi alam saan kukuha ng pantustos, nagagawa pang mag-anak ng mag-anak. Ikaw na yung tumtutulong pero may ibang hindi naman ito ginagamit sa tama. May mga pulubing may gana pang magreklamo sa halagang ibinibigay sa kanila.

Naitanong ko sa aking sarili, tama ba na bigyan ko sila? Tama ba na kaawaan sila? Tama ba na mamili pa sila ng ibibigay ng mga tao? Tama ba na sa bisyo nila gastusin ang perang kanilang nilimos? Kung sa bagay, may kanya-kanya tayong pinaghuhugutang problema sa buhay. Mas naging malupit lamang sa kanila ang lipunan o maaring resulta ito ng kanilang personal na choice sa buhay. Sabi nga sa 100 days to Heaven, "Kung ano ang nangyayari sa tao, resulta ito ng kanilang choice." Sa sistema ng gobyerno natin kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong humihirap, siguradong mas malala at malupit ang nararanasan nilang paghihirap kaysa sa atin. Ilang mamamalimos pa ba ang isisilang sa mundo? Napakasaklap isipin na sa kabila ng buhay na ibinigay sa kanila ay ang pagdanas ng karumal-dumal na paghihirap at pasakit pero sino ba naman tayo para magreklamo, ang mahalaga ay nasilayan natin ang mundong ipinagkaloob ng Diyos at naniniwala ako na kung ano man ang sapitin ng bawat nilalang ay may dahilan. Maaaring hindi natin gusto ngunit kailangan nating tanggapin.

Thursday, July 21, 2011

Ligo na U Lapit na Me


Anak ng Bakang Bakla!

Hindi ko aakalain mahuhuli ni Eros Atalia ang kiliti ko sa pagbabasa. May pagkakahawig sila ni Bob Ong na peyborit ko! Makwela, di magalang pero hindi nagsisinungaling. Maihahalintulad ang kanilang mga libro sa mga kending nabibili sa kalsada-mura, accessible at readable. Yung mga idyoma na ginamit ay makulay at makahulugan. Ang mga salita ay payak, pangkaraniwan, bastos pero di masagwa, nakakatuwa, makulit. Yung tipong hindi mo na kailangan pumunta ng National Library para i-research kung ano kahulugan ng salitang ginamit! Marami na kong nabasa na blog reviews tungkol sa libro nya na "Ligo na U Lapit na Me" tapos nung nalaman ko pang ginawa na itong pelikula lalo akong nacurious kaya naisipan kong bumili. Sa pagka-atat ko mabasa, nagpunta ko noon sa NBS at Powerbooks sa Shang kaya lang parehong walang stocks noon at sa malapit na bookstore samin, wala din. Napaisip ako, "Aba, mabenta ha. Puro out of stocks! Mukang maganda nga!" At kahapon lang sya napasa-kamay ko! Sa sobrang atat kong mabasa, habang naglalakad papuntang MRT gang pagbaba ko ng jeep sa kanto malapit samin ay hindi ko pa din mapigilan magbasa sa sabrang pagkaaliw ko dito. Kahit sa panonood ng TV kagabi sinasabayan ko ng pagsilip sa mga pahina ng libro, habang kumakain basa pa din at di ko na namalayan ang oras mag-aalas dose na kaya pinagpaliban ko na para ngayon. At tendenenen! "Tapos ko na!". Hindi ako nanghinayang sa P200 na ginastos ko sa librong ito!

Ang sabi sa back cover ng librong ito, “ Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot? Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang itatanong? (Kunsabagay sa buhay na ito, madalas tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.)

At sa ending, bitin ako. Bitin na bitin! Para akong nanood ng sine na abangan ang Part 2. Ang dami ko tuloy naging tanong din! Ang dami dami kong tanong lalo na tungkol kay Intoy. Nakahanap na kaya siya ng trabaho? Nakalimutan na ba niya si Jen? Nakausap na ba niya si Jen? Hinanap pa ba ng mga kaklase nila si Jen sa kanya? Active na rin ba siya sa Praise the Lord ng mga magulang niya? Gaano naman kaya ang itinaba niya simula ng maging bum siya? Madalas na ba niyang maka-usap si Benson (John Lennon) sa labasan ng bahay nila? Ano naman kaya ang iba pa niyang pananaw sa ekonomiya ng Pilipinas sa punto ng nakatira sa isang Third World na subdivision? At, bakit kailangang bitinin pa ako ni Intoy sa dulo?

Nagustuhan ko ang akdang ito ni Eros Atalia dahil (para sa kin) umiikot ang tema nito sa kahalagahan ng pagsasabi ng pagmamahal sa isang tao, pag-iingat sa friends with benefits and perks (hanggang dun lang, bawal mainlove) at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng closure sa isang relasyon, anumang label nito. (At kung makapabigay ako ng review tungkol sa librong ito ay akala mong na-inlab na ang 'cornyvorous' na tulad ko! LOL!)

Ang galing ni Sir Eros Atalia kasi nadala niya ako sa ibang mundo. Ang galing ng utak nya! Napakahusay parang nakikipag-usap yung libro! Mapapasagot ka sa mga tanong nya dito at mapapatango sa mga ideya nya! Panalo ang librong ito dahil hindi ito natakot gumamit ng mga barubal na salita pero kung tutumbukin mo ay may laman!

Aabangan ko ang kasunod na kabanta nito! Peksman!

Bili na U! Dali! :) Kwentuhan Us! :)

Sunday, July 17, 2011

Sadness strikes!

Shocks! Minsan lang ako tamaan ng sobrang lungkot kasi madalas naman pag dumarating yan sa buhay ko pinipilit ko mag-isip ng mga nakakatuwa. I always try my best to not entertain that thought. Pero ewan ko sa araw na 'to kung bakit ganito ako. Siguro dahil sa panahon; mahangin kasi sa labas at kulimlim. Waaaaahhhh ayoko ng ganito! Usually pag tinatamaan ako ng ganito, nag-oopen lang ako FB, twitter, tumblr or nagbabasa ng ibang blog. Pero lahat yun nagawa ko na ngayon pero ang lungkot ko pa din! Epekto ba to ng walang lovelife??? Tae! Marahil. Malamang. Baka. Siguro! Hay Ewan!!!! Gusto ko na mag-uwian! :)

Monday, July 4, 2011

I claim it!

I love this passage from the Bible that says, " Whatever it is the you pray with faith, you will received"

Thank you Lord, for all the blessings you shower me whether it is big or small, my gratitude is overflowing!

Lord, you know what's going on my mind and what's my desires in my heart. I know you listen. You know what's my feelings before I say it out to you. And I trust you. I offer you my life. I know your plans are greater than mine. Whatever it is that you planned for me, may I accept it with my whole heart and mind and soul. Thank you for the patience. I know in your perfect time, everything will be going well in my life. I claim it and I know you will give it to me.

Always teach me to be generous, to be humble and to be faithful! :)

I want to ask for forgiveness for everything that I've done wrong. I am not perfect. But thank you for giving me a strong conscience and wisdom. Continue to guide and bless me together my family and friends and all of the people. :)

I LOVE YOU LORD BIGTIME. I WILL FOREVER TRUST YOU! :)