Tuesday, June 28, 2011

Baket????

Bakit sa panahon ngayon ang internet ay isa ng necessity sa buhay na pag nawala parang sobrang kulang na ang araw.. Ako, aminado ako na daily routine ko na sya.. Kumbaga nakalista na sya sa Activities of Daily Living ko.. Pag hindi ako nakapaglog-in sa Facebook at Tumblr in a day, hindi ako mapakali.. Parang kulang lagi.. Saka pag ngayon, pag minsan may pumasok sa isip ko at gusto kong sabihin hindi ko maiwasan i-post toh dito sa Tumblr or sa FB.. Masaya pero minsan napapaisip ako bakit parang magnet sya na pilit kang hinihila.. Ilang beses ko na sinabi I will abstain on using internet pero bigo ako.. Kasi sa work ko pag wala ako magawa haharap lang ako sa computer at magiinternet na.. Pampalipas oras na! At boom! Tumblr at FB lagi ang una kong inoopen. Baket???? And I don’t know why! LOL!

Kahapon pinost ko yung video about Social Networking Etiquette! Guilty ako dun kasi ung iba dun ginagawa ko pero may ilang tao na sumusobra naman.. At lahat ng sobra ay masama.. Tama na yung nagpost ka ng pictures sa album sa FB.. Pero wag naman ung ipopost mo pa ulit ito isa-isa via share.. Hayaan mo na lang buksan ung album mo ng gustong tumingin. Tama na ung nagpost ka dito sa tumblr pero wag mo na iconnect sa FB.. kasi pinost mo na dito ipopost mo pa sa FB.. tapos ung pinost mo sa twitter nakakonek din sa FB.. nagflaflood ka na! At minsan sabay2 mo silang gamit lahat! pagbigyan mo naman ung ibang post ng iba na makita! Kung may galit ka dun mo ipost sa wall ng kaaway mo wag sa Newsfeed! Kasi wala kaming pakialam sa kaaway mo.. Kayong dalawa ang mag-usap! Meron din naman, sila na nagpost sila din maglalike sila din nagcocomment sa post nila. Paulit-ulit teh??? Saka nakakainis nga yung pabago-bago ng relationship status.. Ngayon in a relationship after 30 mins single after 30 mins it's complicated!!! Papansin teh???

Pero we have our freedom of speech.. Di natin maiiwasan o mapipigilan kung ano man gustong ilagay, sabihin at ipakita ng ibang tao. Ang sakin lang let’s know our limitation.. :) Minsan kasi baka tayo lang ang natutuwa pero ung mga nakakakita at nakakabasa pala hindi.. Ilagay din natin sa lugar.

Ang sa akin lang… Chos!

No comments:

Post a Comment