Sa totoo lang, sawang sawa na ko sa work ko.. Pesteng nursing kasi.. Ang hirap makapasok sa hospital.. Puro na lang volunteers at trainings ang pwede para lang magkaron ng experience.. Tapos kami pa magbabayad nun.. Last year, nagtraining ako sa Quirino Memorial Medical Center and I was assigned sa OB ward for 2 months.. 1k per month ang bayad for the training.. Ikaw na pagod, toxic pa tapos walang sweldo kahit allowance man lang.. This is a very sad reality ngayon sa nursing profession.. Hindi basta lang yung 4 years namin sa college and for passing the board exam tapos ganito lang.. Minsan nakakawalang gana pero iniisip ko na lang na God puts me here because there's a reason.. Maybe I have a mission bakit nya ko pinasa.. To think na thousands are aspiring to pass the board exam and I'm one of those lucky board passers.. Malungkot lang pero siguro sa ngayon lang toh.. Masaya ang Nursing! Masaya maging nurse.. Iba yung fulfillment when you touched others lives.. May buhay kang naisave.. Iba ung feeling kapag nakita mong ok yung pasyente mo or makita mo syang ngumiti.. Iba yung saya kahit mahirap!
Pero ngayon, sawa na ko maging company nurse.. I don't have the right to complain kasi madaming nurses ngayon ang walang trabaho.. Kaya kahit ayaw ko na tiis lang.. Hirap din kasing maging tambay.. Nag-aapply naman kami sa hospitals and abroad pero wala pa ulit bago eh.. Alam ko naman na may plan si God sakin.. Kung hindi pa nya ibigay ngayon siguro hindi pa talaga dapat.. Pero I still hope na sana makahanap ako ng work na stable saka yung masaya yung environment.. Iba kasi pag masaya ka sa ginagawa mo.. Kahit pagod ok lang.. Just like nung nagtraining ako nun sa QMMC kahit walang allowance just for the sake of experience lang, i enjoyed it kasi sobrang lucky ako na mabait yung mga co-trainees na nakasama ko.. Miss ko na sila!!!
Sana sa susunod na Presidente ng Pilipinas bigyan nya sana ng pansin ang Nursing profession.. Sana mabigyang halaga at pansin ang mga nurses.. Hindi biro maging nurse kasi buhay ang nakasalalay dito.. Malungkot isipin na madami ang naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa dahil sa maliit na sahod dito.. Hindi natin sila masisi.. Kaya sana may magawang aksyon dito ang gobyerno!
No comments:
Post a Comment