It is very obvious that Noynoy is leading the Presidential race. I just thought that if ever Noynoy is not the son of late Cory and Ninoy, will Filipinos vote for him or he, himself, will run for presidency??? The problem with us Filipinos is that we always put our emotions first before thinking or looking on what this people have done for our country. "Leadership is not inherited, it is earned". Akala ko matalino na ang mga botante, pero madami pa din ang nagpadala sa surveys, sa dami ng infomercials.. Madami pa din ang bumoto ayon sa diskarte para lamang wag manalo ang kandidatong ayaw nila.. KAunti pa lang ang mga botanteng matalino.. Yung mga pinag-aralan talaga ng mabuti ang mga taong karadapat-dapat maihalal..
Isa pang kagulat-gulat ay ang pagiging 2nd place ni former President Estrada na dati ay napatalsik sa Malakanyang dahil sa kasong Plunder pero heto at madami pa din ang nagpaalipin sa nakaraan.. Akala ko sawa na tayo sa walang kwentang sistema.. Sana mas ibinigay nyo ang boto nyo sa taong mas may nagawa sa bansa.. Sana matuto na tayo.. Tama na ang sisihan.. Kung sino man ang manalo, resulta yan ng boses ng mga nakakarami satin mga Pinoy.. Wala tayong ibang pwedeng sisihin kung wala pa din magbago sa bansa natin kundi tayo din.. Kasi tayo ang mga nagluklok sa mga taong ito..
Ang pwede na lang natin gawin ay suportahan kung sino man ang manalo na Presidente.. Ang pagbabago wala naman yan sa mga leader ng bansa, nasa sa atin pa din yan.. Kung handa na tayo sa pagbabago- simulan natin ito sa sarili.. Hindi uunlad ang bansa kung hindi tayo magkakaisa at walang disiplina..
Godbless Philippines..
No comments:
Post a Comment