Wednesday, October 27, 2010

Bakit ba hindi nakakasawa ang kwentong Basha at Popoy??

Grabe ilan beses na ba 'to napalabas sa Cinema One pero ang dami pa din natin nanonood. :) Siguro kahit itapat 'to sa laban ni Pacquiao 50-50 sila.. hehehe.. Ang lupet kasi nitong movie na 'to! Ang mga linya tagos sa buto! Parang naging barkada na natin si Basha at Popoy sa ilang beses na natin pauilit-ulit pinanood toh! Siguro yung iba sobrang nakarelate kasi napagdaanan nila sa buhay nila ung pinagdaanan nila Bash and Poy sa movie. Pero alam mo yun kahit never mo pa naexperience yung ganon ang sarap pa din panoodin kasi damang-dama mo yung bawat eksena. And let's reminisce again those lines sa movie. Yung iba kabisado na malamang 'to! hahaha..

Basha and Popoy: Happy Anniversary!
Basha: Ten years from now, ganito parin kaya tayo?
Popoy: Ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen! Forever and ever.
Basha: Forever.

Popoy: Alam nating madaling sumuko, pero hindi ka ganon.
Basha: Kailangan ko to. Kailangan mo rin.
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko.

Basha: I don’t even know kung tama ‘tong ginagawa ko, pero alam ko kailangan ko nang tapusin ‘to.

Popoy: Bash, ganon mo ba talaga kagusto lumayo sakin para gawin mo pa to?
Basha: Not everything is about you, Popoy.
Popoy: Then why are you doing this?
Basha: Dahil ito ang gusto ko.
Popoy: Pero pano tayo? Pano ang mga pangarap natin? Basha, yung kasal? Akala ko ba walang magbabago? Basha… Paano na tayo?
Basha: Wala nang tayo, Popoy.
Popoy: Ganon lang yon? Bash, five years! Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ako pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to?
Basha: I already gave five years of my live, Poy. It’s about time you give me what I want.
Popoy: But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo… mawala ka sa buhay ko. Bash naman… Bash, kahit mahirap, ayusin natin to. If this is about me being too controlling… and boring… alam mo naman na sinusubukan ko, diba? Bash, wait… sandali, sandali lang… alam nating pereho na madaling sumuko, pero hindi ka ganon.
Basha: Kailangan ko to. Kailangan mo rin.
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko. Bash… Basha, please.


Popoy: Ano ba ang pinagkakaganyan mo? Dahil pinupuna ko yung mga designs mo?
Basha: Hindi masama yung loob ko. Okay nga lang ako.
Popoy: Ayan ka na naman…
Basha: Ano na naman ako!
Popoy: Ayan, ganyan. Sasabihin mo walang problema pero meron naman pala.
Basha: Wala naman talaga e.
Popoy: Bash! Pano ko maaayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam?
Basha: Poy, hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me hindi mo gustong malaman kung ano yung problema ko.
Popoy: E ano nga kasi ang problema?
Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako ang problema! Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko… kasi ako yung humiling nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko na lang sabihin sayo na masaya ako para sayo. Para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi e. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.
Popoy: Mahal ko si Trisha.
Basha: Alam ko. Alam ko.
Popoy: She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng yon.
Basha: Popoy, yan ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.

Krizzy: If kaya pang ayusin, pipilitin, but if this is really what both of you need, then just be strong. Magiging mahirap at masakit pero hopefully, all the pain will be worth it

Popoy: Kayo ni Mark? Gaano na kayo katagal?
Basha: Hindi naman naging kami e.
(Sabay tugtog sa jeep, “Nanghihinayang. Nanghihinyang ang puso ko. Sa piling ko’y lumuha ka lang, nasaktan lamang kita. Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa…”)

Chinno: Hindi sa tagal yan a! Yung iba nga dyan sa hinaba-haba, sa hiwalayan din ang tuloy. Diba, Poy? Pero hindi ikaw yon! Hindi rin ikaw yon, Basha!


Basha: Chinno, nandito kami. Naiintindihan ka namin.
Chinno: Hindi nyo ko naiintindihan! Si Popoy lang nakakaintindi sakin e. Nasan si Popoy?
Popoy: Chinno…
Chinno: Poy, hindi ko na alam. Hindi ko na alam, Pare. Ayoko na… Hindi ko alam na ganito pala ang sakit. Take me Lord please!
Popoy: Shhh, huy, ano ba… Chi, kung nakaya ko, kaya mo rin. Naalala mo nung ako yung nandyan? O, e diba’t ikaw pa ang nagsabi sakin na kaya baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin… kasi… baka merong bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin. Ng lahat ng mali sa buhay mo.


Basha: I’m sorry. I’m sorry.
Popoy: No. I am sorry. I’m sorry for not saying sorry before noong nasaktan kita. Noon kasing nagkahiwalay tayo, ang inisip ko, sarili ko lang. Yung nararamdaman ko lang. Yung gusto ko lang. I’m sorry Bash, naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kailangan mo rin palang hanapin yung Basha’ng nawala noong minahal mo ako.
Basha: Yung Basha’ng mahal ka pa rin.
Popoy: Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sa’yo na, sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit. Pero pag sa tuwing nararamdaman ko kung gaano kita ka mahal; hindi ko maiwasang maramdaman ulit ang lahat ng sakit. And I’m sorry.
Basha: Ano ang dapat kong gawin?
Popoy: Ako na ‘to eh, Bash. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko na ang lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para bumalik yung Popoy na nawala, noong nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin ng buong-buo. Na wala ng anong takot kung masaktan man tayo uli.


Popoy: Ganda ng building ah, kilala mo yung architect?
Basha: Yea.
Popoy: Would you know if she’s free for coffee? Gusto ko siyang kwentuhan sa mga building na nakita ko sa Qatar eh.
Basha: Coffee? Kailan?
Popoy: Right now. Pwede kaya siya?
Basha: Yea. I think so.
Popoy: Libre kaya siya hanggang dinner time? 2 years din kasi akong nawala eh. Nakakamiss, parang ang dami kong gustong sabihin.
Basha: I think magugustuhan niya kung magdidinner kayo tonight, tapos bukas ulit, then the night after that.
Popoy: Sigurado ka ba diyan? Kasi kaya ko na ‘tong panindigan.
Basha: Hindi ka na ba aalis ulit?
Popoy: Hindi na.

No comments:

Post a Comment